--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng Philippine Army ang inilabas na paratang ng NPA-Aurora na peke ang engkwentro sa Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Jimson Masangkay, Chief ng Division Public Affairs Office ng 7th Infantry Division, Philippine Army, sinabi niya na lehitimong operasyon at engkwentro ang tinugunan ng militar sa Sitio Marikit, Barangay Abuyo, Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya .

Aniya unang nagsagawa ng operasyon batay sa mga impormasyong kanilang nakuha mula sa concerned citizens mula sa naturang lugar na nag resulta sa sagupaan.

Aniya, mapalad lamang na walang nasugatan mula sa panig ng Pamahalaan at ng rebeldeng pangkat.

--Ads--

Muli namang binigyag diin ng 7th ID na ang knailang hakbang ay bahagi ng mandato ng Philippine Army na tiyakin ang seguridad ng publiko sa kanilang nasasakupan.

Nakabalik na sa kani-kanilang mga bahay ang mga residenteng nagsilikas matapos makumpirmang ligtas na ang lugar.