
CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang embahada ng Pilipinas sa mga pinoy dahil sa mga sunod sunod na pag-atake ng mga terorista.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Mina Fabros Marquez ng Israel na pinapaiwas muna ang mga pinoy na lumabas at magtungo sa mga matataong lugar dahil sa nagpapatuloy na pag-atake ng mga hinihinalang kasapi ng Hamas Terrorist Group.
Ang pinakahuling naganap na pag-atake ay noong ikalabing tatlo ng Mayo kung saan pinatay ang isang Counter Terrorist Officer ng Israel.
Nauna rito noong gabi ng ikalima ng Mayo, independence Day ng Israel ay nagkaroon ng Axe attack na ikinamatay ng tatlo katao sa Elad City sa Central Israel.
Sa ngayon ay naka Heightened alert pa rin ang kapulisan upang mapigilan ang patuloy na pag-atake ng mga terrorista.










