Aarangkada na sa Abril ng taong ito ang taunang Balikatan joint military exercises na lalahukan ng libong sundalong Amerikano at tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa mga opisyal ng AFP, ang Phl-US war games ay isasagawa sa mga piling lugar sa bansa sa huling bahagi ng Abril hanggang sa kalaghatian ng Mayo ng taong ito.
Magiging tampok sa military drills ang live-fire exercises, land defense techniques at iba pa.
Ayon kay Philippine Air Force (PAF) spokesman Col. Ma. Consuelo Castillo, sa kanilang hanay ay isasagawa ang Cope Thunder Philippines 25-1 na gaganapin mula Abril 7-18, 2025 na inisponsoran ng US Pacific Air Forces (PACAF).
Itatampok sa Cope Thunder ang joint war drills sa sea, air at ground exercises ng PAF at US Air force.
Kamakalawa ay inilunsad na rin ng Phl Army ang Salaknib at Sabak 2025 na layong palakasin ang kakayahan sa land defense ng Philippine Army at United States Army Pacific (USURPAC).
Nanguna sa ginawang exercises si Phl Army ice commander Maj. Gen. Leodevic Guinid upang buksan ang gagawing drills sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Lalahok sa war drills ang 3,000 tropa ng Philippine Army at 2,000 mula sa USARPAC forces.