--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa tatlumput dalawang philsys ID pa lamang ang natatanggap ng Philippine Post Office Cauayan nitong buwan ng Enero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Larina Paclarin Reyes, Postmaster ng Philpost Office Cauayan, sinabi niya na inaasahan ang labingpitong libong philsys ID na darating sa kanilang tanggapan ngayong taon ngunit sa ngayon ay tatlumput dalawa pa lamang ang kanilang natatanggap.

Aniya, walang kasiguraduhan kung kailan makakarating ang 17,000 na ID dahil pailan-ilan lamang ang dumarating sa kanila.

Meron aniyang isang araw na isang National ID lamang ang kanilang natatanggap.

--Ads--

Wala naman aniyang ibinibigay na schedule ang Philippine Statistics Authority kung kailan sila magpapadala ng ID.

Sa ngayon ay prayoridad ng PSA ang pagdidistribute ng Philsys ID sa lalawigan ng Nueva Ecija kaya kaunti lamang ang dumarating na ID sa lungsod ng Cauayan.