--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinalakay ng mga speaker  sa plenary session 1st International Conference on Governance and Partnership and Technology Exhibition on Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction Management sa Cauayan Cityr ang kalahagahan ng masusing paghahanda at mga makabagong teknolohiya para labanan ang matinding epekto ng kalamidad.

Kabilang sa mga plenary speaker si Undersecretary for CCA-DRRM, DOST at Philvolcs Director, Dr. Renato  Solidum na tunalakay sa Philippine Science, Technology, Research and Development on CCA-DRRM.      

Maayos na naisagawa ang mga programa at aktibidad sa unang araw kahapon ng 1st International Conference on Governance and Partnership and Technology Exhibition on Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction Management sa Cauayan City

Kabilang sa mga dumadalo sina kalihim Fortunato dela Penia ng DOST at PHIVOLCS director Renato Solidum at mga kinatawan ng ibat ibang bansa tulad ng Japan, Taiwan, Vietnam at Thailand.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Rickmar Aquino, pangulo ng Isabela State University (ISU) System na nabuo ang pagdaraos sa Pilipinas ng international conference sa kanilang pag-uusap ng mga partner sa Taiwan dahil pareho ang sitwasyon ng Taiwan at Pilipinas na palaging tinatamaan ng malalakas na bagyo.

Inanyayahan sa international conference ang mga siyentista at eksperto sa mga pamantasan na magsalita at i-showcase ang findings sa kanilang mga research at best practices ng iba’t ibang bansa.

Si Dr. Aquino ang nahalal na presidente ng International Network on Climate Change Disaster na naka-focus sa climate change adaptation at disaster risk reduction and management.

Siya ay napili mula sa 15 opisyal ng mga state universities sa bansa at ilang ahensiya ng pamahalaan at 4  na foreigner.

Ayon kay Dr. Aquino, nais nila na mabigyan ng legal personality ang organisasyon sa pamamagitan ng pagrehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Plano nila na sa mga susunod na aktibidad at programa ay maisulong ang pagtulong sa mga Local Government Units (LGU’s) para maging resilient o matatag ang kanilang nasasakupan sa mga kalamidad.

May mga pribadong organisasyon aniya na mapagkukunan nila ng pondo maging sa mga annual dues ng mga bansang kasapi.

Puwede rin silang tumanggap ng donasyon mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor.

Tiniyak din ni Dr. Aquino na hindi maaapektuhan ng pagiging pangulo niya ng ISU system at pagiging presidente ng International Network on Climate Change Disaster dahil may iba pang opisyal tulad ng secretary general at secretatriat na nakatutok sa operasyon at aktibidad ng organisasyon.