--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lahar flow sa ilang bahagi ng Negros Island kasunod ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

Hindi madaanan ang ilang kalsada sa Negros Occidental dahil sa pag-agos ng volcanic material mula sa nakaraang pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Umabot ang kulay gray na putik hanggang sa kalsada dahilan upang mapilitang maglakad nang nakayapak ang ilang mga residente.

Kabilang sa naapektuhan nito ang Tamburong Creek sa Biak-na-bato at Calapnagan, La Castellana; Intiguiwan River sa Guinpanaan at upstream Baji-Baji Falls sa Cabacungan, La Castellana; Padudusan Falls, Masulog, Canlaon City; at sa Binalbagan River.

--Ads--