CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang isang Physician sa mga magulang para sa tamang proteksyon sa mga bagong silang na sanggol ngayong pabago-bago na ang panahon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Adrian Salvador De Vera isang physician sinabi niya na isa sa mga natural na paraan ara maprotektahan ang mga bagong silang at ang exclusive breast feeding.
Aniya lumabas sa pag-aaral na mas nagkakaroon ng proteksyon laban sa sakit ang mga sanggol na breast fed Zero to 6 months.
Panagalawa ay ang immunization o pagapabakuna sa mga kinakailangan na immunity ng mga bata para sa resistensya.
Mula pagkasilang ay agad na ibinibigay ang BCG at Hepatitis B na susundan ang Penta, Penumonia at Pollo Vaccine kasama ang Rota Virus Immunization sa ikatlo hanggang apat na buwan.
Pagtungtong ng 6 months ay bibigyan sila ng flu vaccine at sa ika siyam na buwan ay Miseales at Japanese Encephalitis vaacine habang MMR naman ang ibibigay para sa 12 months o bago mag isang taon.
Ang mga nabanggit na bakuna ay makakatulong para mapalakas ang resistensya ng mga sanggol at bata para maiwasang magkaroon ng karamdaman.
Natural lamang naman para sa mga bata ang magkaroon ng simpleng ubo at sipon dulot ng flu virus kahit pa kumpleto na sa bakuna kaya mahalaga rin ang pagkain ng masustansyang pagkain.
Karaniwan na nagpapakunsulta sa kaniya ang mga batang nakakaranas ng ng pagdudumi at pagduduwal dulot ng panhon.
Aniya dahil sa mainit ang panahon na may madalas na pag-ulan sa hapon ay mataas ang tiyansa ng na masira o mapanis ang pagkain kaya payo niya sa mga magulang na hugasan at lutuin ng mabuti ang pagkain at ugaliing maghugas ng kamay bago kumain.
Samantala, kapansin pansin ang pagdami ng mga kaso ng may speech delay dahil sa maraming mga bata ngayon ang mas expose sa gadgets lalo na noong panahon ng pandemiya.
Para sa kaniya malaking tulong para sa mga bata at maging sa mga magulang ang pagbabawas ng screen time at magkaroon ng interaction.