--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinikayat ng pamunuan ng Phil. Information Agency (PIA) region 2 ang mga mamamayan na makipagtulungan upang labanan ang fake news.

Sinabi ni Regional Director Purita Licas ng PIA region 2 na nakakabahala ang pananalasa ng mga fake news sa Social Media sa bansa dahil marami na ang nagiging biktima.

Maging sa tradisyunal na media outlet anya ay apektado rin ng pekeng balita.

Ayon pa sa Regional Director ng PIA 2 , isang malaking pang-aabuso sa karapatang makapagpahayag ng saloobin ang pagpapakalat ng fake news at wala itong dapat kalagyan sa hanay ng media.

--Ads--

Nakasalalay anya sa mga mamamayan upang tuluyang matigil ang pagpapakalat ng fake news.

Ang mga mamamayan na rin anya ang tutukoy kung ang balita ay isang pekeng balita na dapat ay hindi tinatangkilik.

Pinuri rin ni Regional Director Licas ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na gumagawa ng hakbang upang malabanan ang pagkalat ng mga fake news pangunahin na ang isinagawang pagsisiyasat ng senado ukol dito.