Itinaas ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa 15 minutes ang Pick up at drop off time period ng mga nagtutungong sasakyan sa Cauayan City Airport.
Epektibo ang nasabing panuntunan sa lahat ng paliparang inooperate ng CAAP.
Mula sa dating limang minuto na pick up at drop off time period ay itinaas ito ng labing limang minuto at ang mga lalagpas sa oras ay sisingilin na ng parking fee na nagkakahalaga ng P50 sa unang dalawang oras.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cauayan Airport Manager Greysen Viloria sinabi niya na napapanahon ang nasabing direktiba ng CAAP dahil hindi maiwasan ng mga mananakay na magtagal sa airport lalo na sa mga magkakapamilyang mawawalay sa isat-isa ng matagal at sinusulit ang pagkakataong makasama ang kanilang kapamilya.
Positibo naman ang naging reaksyon ng mga mananakay sa nasabing adjustment.











