CAUAYAN CITY- Binuksan na ng Japan ang kanilang bansa para sa mga mangagawang pinoy.
Sa panayam ng Bombo Radyo , inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa kanyang pagtungo sa Japan noong buwan ng Marso ay nakipaglagda siya ng Memorandum of Cooperation sa Japan.
Ito ay may kaugnayan sa pagbubukas ng Japan para sa 345,000 workers na magtatrabaho sa kanilang bansa.
Ang Pilipinas anya ang unang bansa na nakipaglagda ng kasunduan sa Japan para sa pagpapadala ng mga mangagawang pinoy.
Nangangailangan ngayon ang Japan ng mga caregiver, nurses, mga manggagawa sa aviation, hotel business, call centers, mekaniko at marami pang iba.
Sinabi pa ni Secretary Bello na maganda ang terms and conditions ng Japan na magiging bentahe sa mga pinoy workers