--Ads--

Malaki ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pag-asa ang Pilipinas na makakuha ng non-permanent seat sa United Nations Security Council, batay sa matibay na record at pakikipagtulungan ng bansa sa UN sa mga nakalipas na taon.

Malaking bentahe ng Pilipinas ang pagiging aktibo sa pagtulong sa UN, kabilang ang pagpapadala ng peacekeeping forces sa tuwing may krisis sa ibang bansa. Kasabay nito, aktibo rin ang bansa sa pagtalakay sa mga isyung pangkababaihan, climate change, at iba pang panlipunang usapin.

Aminado ang Pangulo na mahirap tukuyin ang eksaktong tsansa ng Pilipinas, ngunit may ilang bansa na nagpahayag ng solidong suporta, kahit na pribado ang kanilang pagboto.

Dahil dito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa mga kaalyado sa UN at umaasang matutuloy ang suporta para sa kandidatura ng bansa bilang non-permanent member ng Security Council.

--Ads--