--Ads--

Opisyal nang inilipat sa Pilipinas ang ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) Chairship 2026 mula Malaysia, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Aniya, layunin ng Pilipinas na palawakin ang economic corridors, paigtingin ang kalakalan at pamumuhunan, at lumikha ng mas maraming oportunidad para sa negosyo at komunidad sa buong ASEAN.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kooperasyon, tiwala, at pananagutan, pati na ang apat na prayoridad ng ASEAN-BAC: people, planet, platform, at productivity.

Pinuri rin niya ang papel ng private sector sa paghubog ng konkretong aksyon at inklusibong proyekto para sa rehiyon.

--Ads--

Hinihikayat ng Pangulo ang lahat na magkaisa sa pagtahak sa kinabukasan ng ASEAN, na may kumpiyansa sa kakayahan ng Pilipinas at pananagutan sa susunod na henerasyon.