--Ads--

CAUAYAN CITY- Ginawaran ng pagkilala ang isang Pilipinong Guro na tubong Cauayan City sa SEAMEO-Southeast Asian Australia Education Links Award na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Leah Joyce Quilang, sinabi niya na ang SEAMEO ay isang kompetisyon kung saan kalahok ang mga bansa sa Southeast Asia may kaugnayan sa technology and inovations para sa sektor ng edukasyon na nagsimula pa noong 2013.

Aniya ang sinumang bansa ang mananalo ay mabibigyan ng pondo para sa kanilang proposed projects.

Mula 2013 na kalahok ang Pilipinas ito ang unang pagkakataon na makakuha tayo ng award sa pamamagitan ng kanilang proposed project na Life lines a Story powered Literary and Numeracy app.

--Ads--

Puntirya ng Life lines project ang mga out of school youth , mga menor de edad at enrolled students.

Ang project Life Lines ay dumaan sa butas ng karayom na ilang taon niyang binuo at nagsimula itong madevelop noong 2019.

Isa sa naging inspirasyon niya ang sitwasyon ng mga bata sa Metro Manila kung saan napansin niya na marami parin ang kulang sa comprehension at hirap parin sa pagbabasa.

Plano nila ngayon na makipag ugnayan sa Department of Education habang bibigyan din ng benchmark ang ilang mga Eskwelahan sa Thailand.