--Ads--

Binuksan sa China ang Tianshan Shengli Tunnel, ang pinakamahabang expressway tunnel sa mundo na may habang 22.13 kilometro, na tumatawid sa ilalim ng Tianshan Mountains sa Xinjiang Province.

Ang dating ilang oras na mapanganib na biyahe sa nagyeyelong kalsada sa kabundukan ay napabilis na ngayon sa 20 minutong paglalakbay.

Natapos ang proyekto sa loob ng limang taon sa halagang $5 bilyon, sa kabila ng hamon ng matinding lamig na umaabot sa -42°C, madalas na pagyanig, at masalimuot na fault zones sa taas na 3,000 metro.

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ng China Communications Construction Co., matagumpay na nalampasan ang natural na harang na naghahati sa hilaga at timog Xinjiang—isang patunay ng kahusayan ng bansa sa larangan ng engineering at construction.

--Ads--