CAUAYAN CITY- Nangangamba ang Department of Health (DOH) region 2 sa mababang bilang ng mga nagpapabakuna kontra japanese encephalitis.
Lumabas sa talaan ng DOH na ang region 2 ang mayroong pinakamaraming kaso ng japanese encephalitis sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Dr. Rio Magpantay ng DOH region 2 ang kanyang pangamba dahil sa kakaunti pa lamang ang mga magulang na nagpabakuna sa kanilang mga anak kontra japanese encephalitis.
Sa kasalukuyan ay nasa 15% pa lamang ang mga nagtungo sa mga health centers sa rehiyon upang magpabakuna.
Sa ngayon ay puspusan na ang information drive ng DOH region 2 kaugnay sa sakit na japanese encephalitis upang mapabakunahan na ng mga magulang ang kanilang mga anak na edad mula 9 na buwan hanggang 59 months.