--Ads--

Pinatunayan ng French cheese company na Juraflore­ ang kanilang galing sa paggawa ng cheese matapos silang­ magluto nang napakalaking fondue na umabot sa 4,800 pounds!

Gamit ang isang dambuhalang kalderong tanso, nakapagtala ang Juraflore ng Guinness World Record title na “Largest Cheese Fondue”.

Upang makapagluto nito, gumamit sila ng 40 piraso ng comté cheese na inimbak sa loob ng 21 buwan, saka hina­luan ng white wine na Chardonnay at Savagnin, 4.4 pounds ng bawang, 3.3 pounds ng puting paminta, at 121 pounds ng cornstarch.

Para matiyak na magiging malapot at smooth ang timpla, gumamit sila ng isang higanteng food processor bago lutuin.

--Ads--

Nang matapos ang pagluluto, umabot sa 4,800 pounds ang bigat ng fondue, lumampas pa sa kanilang target na 4,495 pounds!

Opisyal itong kinilala ng Guinness World Records.

Dagdag pa rito, naungusan din nila ang hindi opisyal na rekord ng La Chaux-de-Fonds sa Switzerland na nakapagluto ng 3,175-pound na fondue noong 2009.

Abala ang mga chef sa pagluluto sa pina­ka­ma­laking cheese fondue sa France.