--Ads--

Nasungkit ng Ahmedabad Municipal Corporation (AMC) ang Guinness World Record title na “Largest Flower Bouquet” matapos nilang buuin ang pinakamalaking flower bouquet sa buong mundo noong January 7, 2025.

Tinawag na “Unity Blossom”, ang dambuhalang bouquet na may taas na 33 feet at lapad na 10.844 meters.

Binubuo ito ng nasa 11,700 na mga buhay na bulaklak ng chrysanthemum. Ibinida ang higanteng installation na ito bilang bahagi ng taunang Ahmedabad International Flower Show sa Sabarmati Riverfront, na naglalayong sumalamin sa mayamang kultura, mitolohiya, at patuloy na pag-unlad ng India.

Dahil sa pambihirang ganda at laki nito, umabot sa higit 158,000 turista at lokal na residente ang dumagsa sa unang tatlong araw ng exhibit. Bunsod nang matinding tagumpay nito, pinalawig pa ang festival hanggang January 29 sa halip na orihinal nitong schedule.

--Ads--

Ayon sa mga residente, labis nilang ikinatuwa ang tema nitong nakapokus sa relihiyon at kultura na nagpapakita ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba (unity in diversity).