--Ads--

CAUAYAN CITY– Ibinaon ng mga kasamahang rebelde ang bangkay ng kanilang kumander matapos masawi sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at CPP-NPA sa San Mariano Sur, San Guillermo, Isabela noong March 15, 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Major Jekyll Dulawan, DPAO Chief ng 5th Infrantry Division Phil. Army, sinabi niya na habang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga sundalo sa mga tmatakas na rebelde ay natunton nila na may bagong nakalibing sa Dingading, San Guillermo, Isabela

Kasama ng mga sundalo ang mga pulis ay hinukay nila ang nakalibing.

Kinilala ng mga nauna nang sumukong NPA ang bangkay na nahukay na si Ka Yuni, commander ng Regional Operations Command at commander ng Regional Centro De Gravidad.

--Ads--

Si Ka Yuni ay ay galing sa Mindanao at ipinadala ng kanilang grupo sa region 2 upang buhayin ang grupo at buuin ang front committee sa Nueva Vizcaya-Quirino.

Ang bahagi ng pahayag ni Major Jekyll Dulawan