--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala kahapon sa Tuguegarao City ang pinakamataas na temperatura sa Hilagang Luzon ayon sa Northern Luzon PAGASA Regional Services Division.
Ang naitalang temperatura sa Lunsod ng Tuguegarao ay 36.8°C na sinundan ng Lunsod ng Dagupan na may temperaturang 36°C.
Nasa 35.7°C ang naitalang temperatura sa Echague, Isabela habang nasa 34.8°C sa Aparri,Cagayan.
--Ads--

Batay sa pagtaya ng PAGASA bagamat lumakas ang La Niña ay maaaring mainit na panahon pa rin ang mararanasan sa bansa hanggang buwan ng Mayo at maaaring maitala ang 40.6 degree celcius na init ng panahon sa Northern Luzon pangunahin sa bahagi ng Cagayan.










