Isang kabayo na nagngangalang “Fancy” ang opisyal na kinilala ng Guinness World Records bilang ‘Oldest Living Horse’ sa buong mundo, na umabot sa kahanga-hangang edad na 37.
Nahigitan ni Fancy ang dating record na hawak ng isang kabayong namatay sa edad na 38.
Ayon sa may-ari nito na si Paige Sigmon Blumer, nagsimula ang kanilang malalim na samahan noong late 90s. Nakilala ng noo’y walong taong gulang na si Paige si Fancy (na 12-anyos naman noon) sa isang training facility.
Nabighani agad ang bata sa katapangan at lakas ng kabayo, lalo na nang malaman nitong iniligtas ni Fancy ang asawa ng dating trainer mula sa isang lumilipad na yero noong may malakas na bagyo.
Mula nang bilhin siya ng pamilya ni Paige noong taon 2000, naging permanenteng miyembro na siya ng kanilang pamilya.
Bilang isang American Quarter Horse, karaniwang umaabot lamang sa 25 hanggang 35 taon ang buhay ng lahi ni Fancy. Ngunit dahil sa maayos na pag-aalaga, tamang nutrisyon, at regular na pag-checkup sa mga beterinaryo, nalampasan niya ang kanyang life expectancy.
Sa kabila ng kanyang katandaan at sakit na Cushing’s disease, kung saan kailangan na niyang kumain ng malambot at nakababad na pagkain dahil sa isyu sa panunaw, nananatiling masigla at matapang ang kabayo.
Ayon kay Paige, malaking bahagi rin nang mahabang buhay ni Fancy ang kanyang matalik na kaibigan, isang donkey na nagnga?galang Rosie. Nagsisilbing “mata” ni Rosie si Fancy ngayong lumalabo na ang paningin nito.











