--Ads--

Isang Manetee sa aquarium sa Florida na tinatayang may edad na hindi bababa sa 71 taon ay opisyal na itinanghal bilang pinaka matandang manatee sa kasaysayan ng Guinness World Records.


Ayon sa rekord ng Guinness, si Romeo, na nakatira sa Gulfarium sa Okaloosa Island, ay natagpuan sa wild noong 1957 at tinatayang nasa 2-5 taong gulang noon. Kaya naman, si Romeo ay hindi bababa sa 71 taong gulang ngayong 2026, at posibleng mas matanda pa.


Karamihan sa buhay ni Romeo ay ginugol sa Miami Seaquarium, lumipat siya sa Zoo Tampa noong 2023, at dumating sa Gulfarium noong 2025.


Nagkaroon si Romeo ng siyam na anak kasama ang kanyang partner na si Juliet, na pumanaw sa edad na 65 noong Abril 2024.
Karaniwang nabubuhay ang mga manatee mula 30-40 taon, ayon sa mga opisyal ng Gulfarium.

--Ads--


Ang naunang rekord ng pinakamatandang manati ay hawak ni Snooty, na namatay sa edad na 69 taon at 2 araw noong Hulyo 2017 sa South Florida Museum sa Bradenton.