--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong beses umanong sumanib ang kaluluwa ng pinatay sa Kuwait na si Constancia Lago-Dayag sa katawan ng kanyang biyenan na si Gng. Marvelita Dayag habang siya ay nakaburol sa Dalenat, Angadanan, Isabela.

Unang sumanib umano ang kaluluwa ni Constancia noong gabi ng Martes at sinabing siya ay pinahirapan sa loob ng bahay ng kanyang amo dahil ayaw siyang pauwiin.

Muli siya umanong sumanib sa kanyang biyenan noong Miyerkoles ng umaga.

Kaninang alas onse ng umaga ng Huwebes ay nakapanayam ni Bombo Exiquiel Qulang si Gng. Marvelita Dayag at sinabi na noong sapian siya ay mayroon siyang naramdamang malamig na hangin na pumasok sa kanyang katawan pagkatapos ay nawalan na siya ng malay.

--Ads--

Pagkatapos nito ay wala na siyang matandaan ngunit ikinuwento sa kanya na siya ay sinapian ng kaluluwa ng kanyang manugang.

| Ofw mula Angadanan, Isabela na pinatay sa Kuwait, uuwi sana kahapon, hustisya hangad ng pamilya

| Doble ang sakit na nararamdaman ng pamilya, kabaong ni Constancia Dayag, nakaselyo, hindi na makilala ang mukha

Habang live na iniinterview nina Bombo Exiquiel Quilang at Bombo Mariel Gomez sa palatuntunang Bombo Hanay sa Tanghali ay sinabi ni Gng. Dayag na ayaw na niyang maulit ang pagsapi sa kanya ni Constancia.

Gayunman, biglang hindi na makontrol ng ginang ang kanyang katawan dahil muli siya umanong sinapian ng kanyang manugang.

Umiiyak siyang nakapikit at nang tanungin ay muling sinabi na siya ay pinahirapan ng limang tao sa loob ng bahay ng kanyang amo.

Nang tanungin siya ni Bombo Exiquiel sa salitang Ibanag kung ano ang kanyang panawagan kay President Duterte ay sinabi na nais niyang mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya at nais din niyang mabigyan ng tulong ang kanyang mga anak.

Ang bahagi ng naging pagtatanong ni Bombo Exiquiel Quilang sa nasapian na si Gng. Marvelita Dayag

| NBI-Isabela, iimbestigahan ang pagpatay sa Ofw na si Constancia Dayag

| Pagpapadala ng Ofw’s sa Kuwait, lilimitahan habang iniimbestigahan ang pagpatay kay Constancia Dayag