--Ads--

CAUAYAN CITY –  Ipinapasa-Diyos ng pamilya ni PLt. Oliver Tolentino ang pagbaril at pagpatay sa kanya kasabay ng kanyang libing kaninang umaga sa isang memorial garden sa Tagaran, Cauayan City.

Si PLt. Tolentino ay matagal na naging investigator ng Cauayan City Police Station at itinalaga sa Police Regional Office (PRO) 2 nang masangkot sa kaso ng bigong pagpatay.

Dinaluhan ito ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan at mga pulis sa Lunsod ng Cauayan na nagbigay ng 21 gun-salute.

Naging emosyonal ang nanay at mga kapatid ni PLt. Oliver Tolentino habang ibinababa sa hukay ang kanyang bangkay.

--Ads--

Sinabi ng isa niyang kapatid na ipinapasa-Diyos nila ang lahat.

Bahala na umano ang Diyos sa mga taong pumatay sa kanyang kapatid.

Ang hangad nila ay magkaroon ng katahimikan ang kanilang buhay matapos na mailibing ang kanilang kapatid.

Ang kapatid ni PLt. Oliver Tolentino

Hindi nakadalo ang misis ni PLt Tolentino ang kanyang misis na OFW sa Israel.

Naulila niya ang tatlong anak na ang bunso ay isang taong gulang pa lamang.