--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinawi ng Maddela Police Station ang pangamba ng ilang mamamayan ukol sa kumakalat na bomb threat sa Maddela, Quirino.

Pinatotohanan ni Police Chief Inspector Ricardo Salada, hepe ng Maddela Police Station na may mga nagpapakalat ukol sa bomb threat sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Chief Insp. Salada, walang dapat ikatakot ang mga mamamayan dahil handa ang mga pulis sa tulong ng mga sundalo sa pagbibigay ng seguridad sa mga residente ng Maddela.

Inihayag niya na maaaring ang mga nagpapakalat ng bomb threat ay ang mga nangangamba sa mga nagaganap na pag-atake ng mga terorista sa Marawi City.

--Ads--

Sinabi pa ni Chief Insp. Salada na Unti unti na ring bumabalik sa normal ang pamumuhay sa Maddela, Quirino matapos ang paglusob ng mga rebeldeng New Peoples Army sa himpilan ng pulisya kamailan.

Sa ngayon anya ay todo alerto na ang mga pulis at sundalo upang hindi na muling maulit na lusubin ng mga rebelde ang kanilang himpilan.