--Ads--

Isa nang mahusay at sikat na chef sa Australia ngayon ang isang Pinoy na noo’y isang accountant dito sa Pilipinas.

Siya ay si Mark David Tumacder isang Sous Chef sa Australia na tubong Quirino Province at naitampok kamakailan sa isang sikat na cooking show na MasterChef sa Australia.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mark David Tumacder, sinabi niya na hindi naging madali ang kaniyang journey bago maging isang chef lalo na at kinailangan niyang isakripisyo ang pagiging accountant.

Ngunit nang dahil sa hilig niya sa pagluluto ay naisipan niyang I-pursue ito kaya nagsimula siya sa umpisa para sumubok ng panibagong career.

--Ads--

Aniya, wala siyang formal training sa pagiging chef dahil siya ay nagsimula lamang bilang isang dishwasher at nang malaman ng kanilang head chef na isang celebrity chef  na nag-aaral siya ng culinary inalok siya nito na tumulong sa kusina sa halip na maghugas ng mga hugasin.

Dito na siya nagsimulang maging cook hanggang sa inalok siya ng kaniyang head chef na mag-guest sa isang sikat na cooking show.

Kinabahan at natakot umano siya noong una ngunit tinanggap niya rin ang offer dahil isa aniya itong once in a lifetime opportunity.

Ngayon ay isa na siyang Sous Chef o second in command sa Restaurant na pinagtatrabahuhan nito.

Bagaman naging mahirap para sa kaniya ang magpalit ng career ay hindi ito naging hadlang upang maging mahusay sa larangan ng culinary.