--Ads--

Nagpakita ng matinding tapang ang mga atletang Pilipino sa World Athletics Indoor Championships na ginanap sa Toruń, Poland, kahit na hindi sila nakapuwesto sa podium.

Matagumpay na nalampasan ang ni Pole Vaulter EJ Obiena ang 5.50m at 5.70m ngunit hindi nalundag ang 5.85m sa tatlong pagtatangka. Nagtapos siya sa ika-9 na puwesto. Samantala, si Armand Duplantis ng Sweden ang nagwagi ng ginto matapos tumalon ng 6.25m.

Naitala naman ni John Cabang Tolentino sa 60m hurdles ang 7.77 segundo, at nagtapos sa  ika-30 na pwesto suablit bahagyang kinapos para sa semifinals.

Nagtapos naman sa ika-37 na puwesto si  Jessica Laurance  (7.37 segundo) habang si Zion Corrales Nelson ay ika-42 na pwestosa 60m sprint .

--Ads--

Bagama’t walang medalya, malaking bagay na nakapasok at nakalaban ang apat na Pilipino dahil tumaas ang posibilidad na magkaroon ng medalya ang Pilipinas para Nagoya Asian Games na gaganapin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, 2026.

Si Obiena ay nananatiling nangungunang pole vaulter ng Asya at patuloy na inaasahang medal contender, habang sina Tolentino, Laurance, at Corrales Nelson ay nakakuha ng mahalagang karanasan sa pandaigdigang entablado—isang puhunan na tiyak na makatutulong sa kanilang laban para sa Asian Games.