--Ads--

Pinusuan ng Filipino pageant fans ang mala-reynang pagrampa ni Ahtisa Manalo sa swimsuit at evening gown preliminaries ng Miss Universe 2025.

Mula sa loob ng venue hanggang sa online discussions, umulan ng papuri para sa pulido, may kumpiyansa, at fluid na galaw ng pambato ng Pilipinas.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Ruth-Ann Aggabao Ganongan, ibinigay ni Ahtisa ang isang rock-solid na performance. Binanggit niyang mas pinaganda pa ito ng maayos na styling, effortless na movement, at matatag na connection niya sa camera. Para kay Ganongan, ramdam ang kabuuang commitment ni Ahtisa, dahilan para maging kapansin-pansin siya sa roster ng mga kandidata ngayong taon.

Naniniwala rin si Ganongan na abot-kamay na ng Pilipinas ang ikalimang korona, lalo na kung maipapakita ni Ahtisa ang kanyang lakas sa Q&A portion. Bagama’t aminado siyang posibleng maging hamon ang pagkakaroon ng predominantly Latino panel sa finals, nananatili siyang kumpiyansa na kung papabor ang tadhana, may malaking posibilidad na magdiwang ang Pilipinas.

--Ads--

Samantala, sa pagsusuri ng mga beauty experts tulad nina Norman Tinio at Tita Lavinia, lumalabas na isa si Ahtisa sa may pinakamalinis at pinaka-masterful na performance sa preliminaries. Tinukoy nilang rock-solid ang kanyang swimsuit at evening gown walk, dahilan upang bigyan siya ni Tinio ng mataas na score na 9.7, indikasyong top-tier contender siya sa kompetisyon.

Sa kabuuan, nananatiling mataas ang kumpiyansa ng mga pageant analysts, fans, at maging ng mga international correspondents tulad ni Ruth-Ann Ganongan na may malaking laban si Ahtisa Manalo para iuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas.