CAUAYAN CITY – Dahil sa kagustuhang matunghayan ang Total Solar Eclipse ay muntik ng hindi mapakinabangan ang nilulutong putahe ng isang cook ng Offshore oil and gas flatform sa Louisiana, Estados Unidos.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Raymond Sison na kasagsagan ang kanyang pagluluto habang nakaantabay sa Television at nang makita niyang nagsimula na ang eclipse ay dali-dali siyang tinawag ng isa sa kanyang mga kasama para masaksihan ang Solar Eclipse.
Aniya, pinahiram siya nito ng glasses na ginagamit sa pangwelding kaya nakita niya nang 3/4 na ang natakpan sa araw kaya iniwan na niya ang niluluto.
Nagdilim aniya ang kalangitan at naging makulimlim ang panahon sa buong maghapon.
Mapalad aniya siya na masaksihan ang Total Solar Eclipse dahil sa minsan lamang ito nangyayari sa loob lamang ng 20 taon.
Matapos manuod ng eclipse ay dito na niya napagtanto na kamuntikan ng nasunog ang kanyang niluluto.
Ayon kay Sison, kahit nakasuot ng glasses ay masakit talaga sa mata ang tumitig ng matagal sa araw kaya maikling video lamang ang kanyang nakuha.
Wala namang anumang kakatwang paniniwala kapag may Solar Eclipse maliban sa ilang naghanda at naglagay ng aluminum foil sa hard hat ang kanyang mga kasamang nagtratrabaho sa kasagsagan ng eclipse.