--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit 1.5 billion ang halaga ng mga pananim na palay, mais, gulay at fisheries ang napinsala ng tagtuyot sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Agriculturist Dr. Angelo Naui na hanggang noong ika-15 ng Abril 2019 ay nasa 15,806 metric tons na ang volume ng nasira sa palay sa 23 bayan na may halagang mahigit 307 million pesos.

Sinabi pa niya na umaabot sa 37,158 ektarya ang naapektuhan ng tagtuyot.

Ang totally damaged ay 7,308 na ektarya habang ang partially damaged ay 29,807 ektarya.

--Ads--

Ang volume loss ay 88,190 metric tons sa 24 bayan na nagkakahalaga ng 1.2 billion pesos.

Sa mga pananim na gulay ay may affected area na 45 na ektarya na may volume loss na 320 metric tons na may halagang 4.6 million pesos.

May pinsala rin sa fisheries na nagkakahalaga ng 188, 953 pesos.

Nagsasagawa na ng evaluation ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa mga napinsalang pananim.