--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa P180 milyon ang pinsalang idinulot ng El Niño Phenomenon sa Region 2 ayon sa Kagawaran ng Pagsasaka o DA Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Paul Vincent Balao, El Niño Action Officer ng DA Region 2 pinakaapektado ang mga pananim na mais dahil rain fed ang mga ito.

Sa ngayon ay mayroon nang reported na partially damaged na 8,737 hectares habang ang totally damaged ay nasa 276 hectares.

Nilinaw naman niya na ang mga partially damaged ay nasa 50% pataas pa rin ang maaani habang sa totally damaged ay nasa 10% o wala nang maaani dahil natuyot na ang pananim.

--Ads--

Kung susumahin nasa P180 Milyon na ang total estimated loss sa mais pa lamang.

Tiniyak naman ni Ginoong Balao na patuloy ang kanilang isinasagawang cloud seeding operation na pinondohan pa noong nakaraang taon bilang paghahanda sa forecasted El Niño.

Batay sa forecast ng PAGASA, ang Northern Portion ng Isabela at Southern Portion ng Cagayan na nasa 240,000 hectares ang direktang maaapektuhan ng tagtuyot.

Aniya kahit may El Niño o anumang kalamidad ay tiwala pa rin silang nasa 1 million metric tons pa rin ang produksyon ng mais sa rehiyon ngayong cropping season.