--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang pintor matapos nitong saksakin ang isang barangay tanod sa barangay District 1, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station,nakatangap umano ng impormasyon si Barangay Tanod Junmar Ramon Fernandez, 59 anyos sa kaguluhang kinakasangkutan ni Ricky Garcia, 20 anyos, pintor at residente ng nasabing barangay.

Sa pagtugon umano ni Fernandez ay agad niyang nakita si Garcia na nakikipag-away sa kapatid.

Sinikap ng barangay tanod na mamagitan sa kaguluhan subalit hindi umano siya pinakinggan ng Garcia at tinangka siyang saksakin.

--Ads--

maswerte namang nakaiwas ang tanod na agad na humingi ng tulong sa pulisya na sanhi para madakip si Garcia.