CAUAYAN CITY- Inihayag ni Lt. General Rolando Joselito Bautista, Commanding General ng Phil. Army na kontrolado ang banta ng New People’s Army (NPA) sa lambak ng Cagayan.
Ayon kay Lt. General Bautista, kontrolado ang pagkilos ng mga rebeldeng pangkat sa region 2 dahil sa pamumuno ng mga nagdaang Commanding Officer ng 5th Infantry Division na nakahimpil sa Gamu, Isabela.
Sinabi niya na malapit sa kanya ang 5th ID dahil noong siya ay Tenyente pa lamang ay dito nag-operate ang kanyang hawak na first scout ranger regiment .
Ayon pa kay Lt. General Bautista, subok na ang 5th ID sa pakikidigma bilang isang dibisyon ng Phil. Army.
Samantala, pinasalamatan ni Lt. General Rolando Joselito Bautista si outgoing Commanding Officer ng 5th ID Major General Paul Talay Atal na pinalitan ni Brig. General Perfecto Rimando.




