--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng pulisya ang pitong katao matapos na maharang sa checkpoint at masamsaman ng nasa 4.5 milyon pesos na halaga ng marijuana bricks sa Bulanao Centro, Tabuk City.

Ang mga dinakip ay sina Sandy Alerta Legnes, tatlumpong taong gulang, tsuper ng van, at Raymond Abrea Nazareno, tatlumput tatlong taong gulang, isa ring tsuper at kapwa residente ng Santa Maria, Bulacan.

Kasama rin sa mga naaresto sina Michael Tayo David, dalawamput limang taong gulang; Keneth Christian Buena Sum, dalawamput walong gulang gulang; Matthew John Mirasol Milgate, dalawamput dalawang taong gulang; John Ashley Sevilla, dalawamput apat na taong gulang at  Rhecel Sumayod Maribojoc, dalawamput isang taong gulang at pawang mga residente ng Angeles City, Pampanga.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Regional Drug Enforcement Unit katuwang ang mga kasapi ng Tabuk City Police Station, Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit o PIU/PDEU, PDEA Kalinga, Kalinga Provincial EOD and Canine Unit, REGIONAL INTELLIGENCE DIVISION Police Regional Office Cordillera, 1st and 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, 1503rd Regional Mobile Force Battalion 15 at PIT Kalinga.

--Ads--

Ang mga otoridad ay nagsagawa ng Checkpoint na nagresulta sa pagkakadakip ng mga pinaghihinalaan at pagkakasamsam ng mga illegal na droga na isinakay sa isang Toyota hi-ace na may plakang NEI 1380.

Kabilang sa mga nasamsam ay tatlumput walong bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng tatlumput walong kilo at nagkakahalaga ng P4,560,000.

Nasamsam din ang 300 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruitings na nakabalot at nagkakahalaga ng mahigit P36,000.

Nakuha rin ang isang paper bag na naglalaman din ng dried marijuana leaves and stalk na may timbang na sampong gramo at nagkakahalaga ng P1,200.

Bago ang pagkakadakip ng mga pinaghihinalaan ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad tungkol sa mga pinaghihinalaan na may ibibiyaheng marijuana kaya agad silang nagsagawa ng checkpoint na ikinadakip ng mga suspek.