--Ads--

Naging mapayapa at maayos ang paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution at ang isinagawang Trillion Peso March noong Pebrero 25, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kinilala ng PNP ang naging propesyonalismo ng mga pulis na nagpakita ng pagpipigil at dedikasyon sa kanilang tungkulin sa buong panahon ng mga aktibidad. Mahigit 13,000 pulis ang idineploy upang tiyakin ang seguridad, habang tinatayang nasa 6,000 katao ang dumalo sa EDSA Shrine at People Power Monument.

Pinairal ng mga pulis ang maximum tolerance, kabilang na sa ilang grupong walang permit, upang maipahayag pa rin ng mga ito ang kanilang opinyon hangga’t hindi nagdudulot ng kaguluhan.

Bagaman may pitong pulis na nasugatan matapos pagbabatuhin ng ilang raliyista, hindi ito nakaapekto sa kabuuang seguridad ng mga aktibidad. Dalawang katao ang inaresto at kakasuhan ng direct assault, resistance and disobedience to authority, alarm and scandal, at paglabag sa Batasang Pambansa 880.

--Ads--

Binigyang-diin ng PNP na ipinakita ng mapayapang pagdaraos ng mga aktibidad ang kooperasyon ng organizers, mga kalahok, at mga awtoridad, na patunay ng kakayahan ng bansa na isagawa ang demokratikong karapatan habang pinapanatili ang respeto sa batas at kaligtasan ng lahattri