--Ads--

CAUAYAN CITY – Mabigat na alegasyon para sa buong hanay ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang pahayag ni Col. Jovie Espenido na ang PNP ang biggest crime group sa bansa.

Ayon kay Deputy Majority Floor Leader at Isabela 6th District Representative Inno Dy na marahil ang naging basehan dito ni Espenido ay ang lantarang kalakaran sa PNP kung saan siya ay aktibong miyembro.

Aniya marapat lamang na tapusin na ang lahat ng ginagawang pagdinig ng kongreso upang makita kung anong mga batas ang dapat na isulong para mapangalagaan ang taumbayan.

Hiniling naman niya sa mga Isabeleño na pagkatiwalaan pa rin ang PNP sa kabila ng mga umuusbong na kontrobersiya kaugnay sa nakaraang war on drugs dahil ang PNP ay may tungkuling pangalagaan ang interest at kaligtasan ng taumbayan.

--Ads--

Sa kabila nito ay naniniwala si Cong. Dy na hindi naman lahat ng Pulis ay sangkot sa iligal o maling gawain sa loob ng organisasyon.