CAUAYAN CITY – Ihihinto na ng Cauayan City Police Station ang mga programang may kaugnayan sa kampanya kontra illegal na droga.
Ipapasa na rin ng Cauayan City Police Station sa Phil Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang mga programa may kaugnayan sa illegal na droga tulad ng Double Barrel Reloaded .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng PNP Cauayan City kanyang inihayag na nakipag-ugnayan ang kanilang Punong himpilan sa PDEA para sa pagpapasakamay ng mga kasong may kaugnayan sa droga.
Anya tatalima ang PNP Cauayan City dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang hindi sila malagay sa kahihiyan dahil sa pinaggagawa ng iilang pulis.
Tiniyak pa ni Supt. Paragas na dadalo pa rin ang mga pulis sa pagdinig ng mga kaso ng mga nahuling drug personality upang tumayong testigo.
Pagtutuunan na ng Cauayan City Police Station ang mga Street crimes at riding in tandem criminals ngayon at naalis na silang manguna sa operasyon kontra illegal na droga.




