--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinag-iingat ng pulisya ang publiko dahil sa napapanahong salisi gang at budol-budol ngayong Holiday Season.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr. Hepe ng Cauayan City Police Station, pinag-iingat niya ang mga residente hindi lamang dito sa Lungsod ng Cauayan sa darating na Holiday season sa  mga nagmamanman sa kanilang lugar na ito ay ipabatid kaagad sa kapulisan upang maiwasan ang di kanais-nais na pangyayari tulad ng mga nakawan.

Dagdag pa nito na iwasan ang pag-iwan ng mahahalagang gamit sa sasakyan dahil maaari itong maging dahilan ng mga kawatan upang ito ay nakawin.

Pinaalalahanan din niya ang mga mamamayang umaalis ng bahay na ugaliing mag-lock ng pintuan at kapag nasa labas ay huwag iiwang nakabukas ang sasakyan at upang hindi mabiktima ng kotse gang.

--Ads--

Nagbabala rin siya sa mga naka-motor na laging I-lock ang manibela ng kanilang motorsiklo upang hindi makarnap ng mga kawatan.  

Ngayong Holiday Season, pinayuhan din niya ang mga magulang na kung maaari ay huwag nang isama ang mga bata sa mga Paskuhan Village dahil posible na mawala ang mga ito dahil sa dami ang mga tao sa nasabing mga lugar.