--Ads--

Limampung karagdagdagang pulis mula sa Police Regional Office ang ipinadala sa lungsod ng Cauayan para sa karagdagang pwersa ngayong bagong taon.

Bukod pa ito sa labinlimang pulis na ipapadala naman ng Police Provincial Office na makakatulong din sa pagpapanatili ng seguridad sa lungsod sa mga susunod na araw.

Ayon kay Pltcol Avelino Canceran, malaking bagay ang karagdagang pwersa na ipinadala sa kanilang himpilan na makakatulong upang bantayan ang mga matataong lugar.

Magtatalaga kasi ng mga awtoridad sa mga matataong lugar gaya na lamang sa simbahan, mall, banchetto at mga parke.

--Ads--

Giit ng hepe, tatlong siyudad dito sa rehiyon ang napadalhan ng karagdagang mga pulis para makatulong sa pagpapanatili ng seguridad.

Magtatagal ang mga ipinadalang pulis hanggang Enero 5 base sa direktiba ng regional office.

Sa ngayon ay may itinatalaga nang popostehan ang mga ito na bababantayan hanggang matapos ang bagong taon.