--Ads--

Nakatakdang mag-deploy ng mahigit 20 PNP personnel ang Cauayan City Police Station para sa nalalapit na Christmas Lighting sa darating na Disyembre 1, 2025, bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga tao sa selebrasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Isabela kay PMaj. Fernando Mallillin, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan, paiigtingin nila ang seguridad sa buong lugar upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang.

Bukod sa mga patrolman na iikot sa paligid ng venue, magtatalaga rin sila ng mga karagdagang pulis sa mismong sentro ng aktibidad upang agad makaresponde kung kinakailangan.

Dagdag pa niya, kanilang tututukan ang mga convergent area, o mga lugar na inaasahang pinaka-matao, dahil dito umano kadalasang sinasamantala ng ilang indibidwal ang pagkakataon para gumawa ng krimen tulad ng pandurukot at iba pang ilegal na gawain.

--Ads--

Tiniyak ng PNP Cauayan na handa silang magpatupad ng mga hakbang pangseguridad upang matiyak na magiging payapa at matagumpay ang Christmas Lighting ng lungsod.