--Ads--

CAUAYAN CITY – Binuksan ng Cauayan City Police Station ang kanilang hotline bilang sumbungan ng mga mamamayan sa mga nakikitang hindi nagsusuot ng face mask

ito ay bilang suporta sa paalala ng pamahalaang Lunsod ng Cauayan na pagsusuot ng face mask.

Limang tao ang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Bagamat maysuot na face mask ang limang tao ay hindi tama ang kanilang pagsusuot.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Lt. Col. Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station, bukas ang kanilang hotline para mapalawak ang kanilang trabaho na paghuli ng mga taong hindi nagsusuot ng face mask.

Ang limang nahuli ay magmumulta ng limang daang piso ngunit bigo ang iba pa magbayad dahil walang pera.

Sa ngayon ay nasa isolation tent ang 5 nahuli at pagpapasyahan pa kung magbabayad o sasailalim sa community service.

Ang PNP Hotline na maaring pagsumbungan ng mga taong walang suot na face mask ay ang cellphone number 0917-7777-135.