--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinulungan ng PNP Ilagan ang mga Badjao sa lunsod na makauwi sa kanilang lugar sa Batangas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt.Col. Lord Wilson Adorio, hepe ng City of Ilagan Police Station na nasa limang pamilya ng Badjao ang kanilang binigyan ng tulong kung saan 15 bata ang kanilang kasama at mayroon pang sanggol.

Aniya, galing pa ang mga naturang Badjao sa Batangas at nagtungo na rin sa iba’t ibang bayan para makahingi ng tulong.

Nakipag-ugnayan sila sa pamahalaang lunsod ng Ilagan at nagbigay sila ng tulong tulad ng bigas, damit, hygiene kits at mga tsinelas.

--Ads--

Ayon kay PLt.Col. Adorio, gusto na ng mga naturang Badjao na bumalik sa Batangas bago magpasko kaya matapos nilang bigyan ng tulong ay inihatid nila ang mga ito sa terminal ng bus para makauwi na sila sa kanilang lugar.

Aniya, walang bahay ang naturang mga Badjao at sa gilid ng lansangan lang sila natutulog.

Sila rin ang mga nakikitang humihingi ng tulong sa mga kalsada habang ang mga kalalakihan ay nangangaroling gamit ang tambol.

Tinig ni PLt.Col. Lord Wilson Adorio.