Kasabay ng Seven-Point Agenda ng Acting Chief PNP na si PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez, Jr., nagsasagawa ng koordinasyon ang mga tauhan ng Isabela Police Provincial Office mula sa iba’t ibang city at municipal police stations kasama ang iba pang ahensya para sa isang pinagsama-samang pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Nitong Setyembre 16, 2025, ipinatupad ng pulisya ang mga safety procedure habang nananalasa ang bagyo at nagsimula ring magbigay ng suporta para sa post-disaster response.
Kaugnay nito, ipinatutupad din ang Oplan Tambuli na nagtatakda ng liquor ban sa mga mabababang lugar bilang bahagi ng mga hakbang. Layunin nitong maiwasan ang mga aksidente at pinsala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga update hinggil sa lagay ng panahon at pagpapalakas ng kahandaan sa sakuna.
Patuloy ding mino-monitor at iniinspeksyon ng mga awtoridad ang lebel ng tubig sa lahat ng tulay upang mapangalagaan ang buhay at ari-arian. Bahagi rin ito ng pagtukoy sa mga posibleng panganib na makatutulong sa mas maayos na pamamahala ng trapiko at pagpapatupad ng agarang aksyon sa oras ng emerhensiya.











