Naghain ng pitong kaso ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng umano’y fuel hoarding at iba pang paglabag sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño na tatlong kaso ng hoarding ang naitala sa Bicol Region habang may isa pang kaparehong kaso sa Eastern Visayas.
May naihain ding reklamo ng profiteering o overpricing sa Eastern Visayas at Davao. Samantala, may iniulat ding kaso ng paglabag sa trademark infringement sa Central Luzon.
Noong Sabado, iniulat ng PNP ang pagkakaaresto sa isang 43-anyos na lalaki sa isinagawang anti-illegal fuel sale operation sa Ligao City, Albay noong Marso 26.
Isinagawa ng mga awtoridad ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na umano’y may-ari ng establisimyentong sangkot sa ilegal na bentahan ng gasolina.
Ayon sa PNP, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Bilang 33, na may kaugnayan sa ilegal na pagkalakal at distribusyon ng mga produktong petrolyo.
Nasamsam sa operasyon ang isang fuel tanker truck, ilang storage container at tinatayang 1,000 litro ng gasolina, pati na ang marked money na ginamit sa operasyon.
Tinatayang nasa P2 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kagamitan at produkto, ayon sa











