--Ads--
Nagsasagawa na ng malalimang pagsisiyasat ang San Mateo Police Station sa hinihinalang pamamaril sa sasakyan ng isang kandidato para sa Sanguniang Bayan ng Ramon, Isabela.
Sa inisyal na impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan nakaparada sa kasalungat nakalsada ang sasakyan ng kandidato partikular sa harap ng Kapilya ng Iglesia ni Kristo sa Barangay Villa Magat, San Mateo, Isabela.
Aniya hindi niya aktwal na nakita ang pamamaril sa kaniyang sasakyan subalit may isang nakakita sa insidente.
Agad silang tumawag ng Pulis at konordonan ang area bilang paghahanda sa imbestigasyon.
--Ads--
Wala pang narerekober na basyo sa umanoy pamamaril.