Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 15 kaso ng indiscriminate discharge of firearms bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Hanggang nitong Linggo, Disyembre 29, sinabi ng PNP na may apat na indibidwal ang nasaktan dahil sa stray bullets.
Tatlo sa mga ito ang mula sa National Capital Region (NCR), habang isa ang mula sa Zamboanga Peninsula.
Mayroon ding iniulat na anim na kaso ng indiscriminate firing mula sa Calabarzon, apat sa NCR, at dalawa sa Central Visayas.
May tig-iisang insidente naman ang naitala mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, at Cordillera Administrative Region.
Samantala, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo nitong Sabado na paulit-ulit silang nagpapaalala sa mga pulis na gamitin lamang ang kanilang mga baril sa mga misyon.