Nilinaw ng Philippine National Police sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya na walang pinapanigang grupo ang kapulisan sa naganap na tensyon sa pagitan ng anti-mining group communities at isang korporasyon, kasunod ng insidente ng nasunog na excavator.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Major Rudil Bassit, Chief of Police ng Dupax Del Norte PNP, mariing dinidismaya nila ang mga alegasyon na pabor umano ang PNP sa isang mining group sa lugar. Aniya, lahat ng aksyon ng pulis ay nakabatay sa utos ng korte at batas.
Matatandaang noong ikaw-labingdalawa ng Disyembre ay isang excavator ang nasunong sa Sitio Upper Tacbao. Ayon sa ulat, bahagi ito ng clearing operation matapos ang Bagyong Uwan, bilang tugon na rin sa kahilingan ng ilang mga residente.
Sa pagbalik ng mga kagamitan mula sa clearing site, nagbarikada ang isang anti-mining group kaya hindi makaalis ang heavy equipments. Patuloy ang hidwaan ng korporasyon at ng anti-mining group hanggang sa araw na nasunog ang excavator. Ayon kay Bassit, walang nasaktan sa kabila ng komosyon.
Samantala, tumulong ang BFP upang imbestigahan kung ito ay arson o sunog dulot ng iba pang dahilan.
Pinabulaanan din ng PNP ang ulat na umano’y nakawan ng kagamitan dahil wala namang matukoy na suspek ang mga kasapi ng anti-mining group. Hinikayat din nilang magpa blotter sa istasyon ang sinumang may reklamo.
Nananawagan ang PNP sa publiko na maging mapanuri at huwag basta basta maniniwala sa mga impormasyong kumakalat sa social media. At para naman sa lider ng anti-mining group, ilabas ang buong video ng naganap, huwag itong putulin, at huwag saka i-upload sa social media.









