--Ads--

Nagpakitang-gilas ang Philippine National Police (PNP) sa international stage matapos makuha ang ika-14 na puwesto mula sa 109 elite tactical teams ng 48 bansa sa UAE SWAT Challenge 2026 na ginanap noong Pebrero 7–11.

Ito ay patunay ng tuloy-tuloy na pag-angat ng PNP sa pandaigdigang ranggo: mula ika-45 na puwesto noong 2023, umakyat sa ika-34 noong 2024, at nakapuwesto sa ika-25 noong nakaraang taon bago makamit ang ika-14 ngayong 2026.

Ayon kay Chief PNP PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon, disiplina, at propesyonalismo ng mga pulis.