--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nangangalap ng sapat na ebidensiya ang mga imbestigador ng San Mateo Police Station laban sa dalawang natukoy na persons of interest sa pagpaslang kay dating Board Member Napoleon Hernandez, residente ng San Marcos, San Mateo, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj Jeffrey Raposas, hepe ng San Mateo, Isabela, sinabi niya na ang biniberipika nilang persons of interest ay mismong tinukoy ng misis ni Hernandez.

Aniya, nagsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon para malaman kung may nag-utos sa mga suspek na patayin ang dating board member.

Ang tinig ni PMaj Jeffrey Raposas

Sinabi pa ni PMaj Raposas na mayroon na silang itinalagang mga pulis na magbabantay sa pamilya Hernandez para sa kanilang seguridad.

--Ads--

Nakapagsagawa na rin ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation o NBI Isabela laban sa mga natukoy na persons of interest.

May kaugnayan sa pulitika ang pangunahing motibo sa pagpatay kay Hernandez.

Matatandaang naglaan si Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III ng P500,000 na pabuya ni Isabela Vice Governor Bojie Dy para sa sinumang makapagtuturo sa bumaril at pumatay kay Hernandez.

Ang tinig ni PMaj Jeffrey Raposas