--Ads--

Inalerto na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga pulis patungkol sa potensyal na paglitaw ng mga Private Armed Groups o PAGs na posibleng magamit sa paghahasik ng kaguluhan sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, posibleng maging mainit ang eleksyon sa susunod na taon dahil maaring magkakakilala o magkaka mag-anak ang maglaban laban sa darating na halalan.

Kaugnay nito, binilinan naman ni Gen. Marbil ang PNP na tutukan ang mga PAGS na maaaring gamitin ng mga politiko sa paggawa ng kaguluhan sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Samantala, sinabi rin ni Fajardo na bagama’t kasalukuyang nasa normal alert status ang PNP sa pagsisimula ngayong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), may laya pa rin aniya ang mga police commander na itaas ang alert level sa kanilang nasasakupan kung sasakaling kakailanganin.

--Ads--