--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsimula nang tumungo ang hanay ng Reina Mercedes Police Station sa mga paaralan para magcheck ng mga dala ng mga estudyante.

Ito ay batay sa inilabas na direktiba ng lokal na pamahalaan ng Reina Mercedes na magkaroon ng pagsusuri sa mga bag ng mga batang pumaapsok sa eskwelahan.

Kasunod ito ng mga naitatalang insidente na kinasasangkutan ng mga estudyante at guro.

Ayon kay Deputy Chief of Police PCapt. Jefferson Dalayap , may ugnayan na rin sila sa mga magulang ng mga bata at maging sila ay pabor rito.

--Ads--

Aniya paraan ito para hindi mabahala ang mga guro sa kanilang kaligtasan.

May mga ilang guro na rin kasi ang nababahala dahil sa mga nangyayaring kaso na kinabibilangan ng guro at estudyante.

Sa ngayon wala pa naman nahuhulian na mga bata na may dala ng mga bagay na ipinagbabawal gaya na lamang ng mga patalim o baril.